Lunes, Enero 16, 2017

Bakit ako HUMSS?



Bakit 'yan ang kinuha mo?

Ano namang ginagawa niyo doon?

Nagsusulat o nagbabasa lang kayo lagi di ba?

Anong namang makukuha mong course sa college?

Hindi ka siguro magaling sa Math o Sciene 'no?

May mararating ka ba dyan?


Bakit HUMSS?!?



Yan lamang ang ilan sa napakaraming tanong na aking narinig, aking nabasa at maging naitanong sa akin. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, isa lang naman ang isinasagot ko sa mga etchoserang ito:



"Bakit hindi?" *sabay flip ng kulot kong hair at talikod*



Hindi ko lubos na mawari na para sa ibang tao, 'tila isang kasalanan kung bombahin ng mga tanong kapag pinili ng isang Senior High student ang strand na Humanities and Social Sciences o mas kilala bilang HUMSS. Ano man ang pagbigkas nito, maging "yums" o "hams" ay isa lang naman ang patutunguhan nito. Ang desisyon ito ay parang pagpasiyang tahakin ang madilim na daan patungo sa kawalan. 'Tila isa rin itong kahihiyan at kabiguan kapag kanila na itong narinig mula sa bibig ng mga estudyante. Pilit kinukumbinse na mas marami sanang oportunidad kung ibang track o ibang strand ang pinili.



Pero masisisi mo ba ang puso kung ito talaga ang unang tinibok nito?



Hayaan mo sana ako, oo, ikaw na nagbabasa ngayong blog na ito, nais ko na dalhin ka sa aming kaharian kung saan kaming mga mag-aaral ng HUMSS ay mga mumunting prinsesa ng literatura, kasaysayan at karunungang panlipunan.


Bakit nga ba ako nag HUMSS?



Inaamin ko namang naitanong ko na rin 'yan sa sarili ko at noong una, nahirapan din akong sagutin ito dahil parang napakalawak at napakaraming posibleng sagot na sa dulo ay nanahimik na lamang ako. 




Ngunit sa paglipas ng ilang linggo at ilang buwan, ipinagmamalaki kong ibahagi sa'yo kung bakit sa tingin ko ay tama ang naging desisyon ko na piliin ang strand na ito.


1. Nagsusulat kami.



Simple di ba? Dalawang salita na kung titignan ay parang napakadali lang na kayang gawin ng kung sino man ngunit huwag mo agad kaming husgahan. Nagsusulat kami para sa aming sarili, para sa aming pamilya, para sa sa aming komunidad at para sa ating bansa. Ilusyonada man kung pakinggan dahil ano naman ang magagawa ng papel at bolpen sa ikauunlad nating mga mamamayan? 


Pero tinuro kasi sa amin na ang bawat letrang aming nililimbag ay marapat lang na magbunga ng impak para sa amin bilang indibidwal at para sa ibang tao.



2. Hindi kami selfish.




Hindi naman kami 'yung tipo ng tao na walang pagkakataon na hindi napariwara kahit ng slight. Tao lang kami, nagiging marupok din! Nagfefeeling man, hayaan mo sana akong magpaliwanag nang maangkinin ko ang katagang iyan kahit ng ilang sandali. 



Hindi kami selfish dahil ipinapaalala sa amin na dapat lumabas kami sa aming comfort zone at simulang isipin ang mga nangyayari sa aming lipunan. Kailangan naming laging baon ang aming pakialam para sa iba na para sa akin ay isang mabuting bagay. 



Dahil dito, hindi naiaalis sa amin ang posibilidad na maging social worker sa hinaharap na hindi dapat hindi ikinahihiya! Ayon kay Gabriela Acosta, ang trabahong ito ay nagbibigay ng napakaraming oportunidad ng pagpapatatag ng matiwasay na paghubog bilang isang tao. Sa katunayan, isa ito sa pinakamabilis na umunlad na trabaho sa iba't ibang panig ng mundo.









Sanggunian:

https://msw.usc.edu/mswusc-blog/the-benefits-of-a-career-in-social-work/

3. Kaya namin ang hard.... 'Hard' science.




Hindi ito hipnayan, haynayan o kapnayan.kundi ekonomiks! Dahil pinag-aaralan namin ang disiplinang ito, nagiging daan ito upang makapag-isip kami ng mga solusyon para maagapan at masugpo ang mga problema sa ating lipunan tungkol sa iba't ibang konsepto. Ito ay tulad ng pagkakaiba ng mga bagay na gusto lamang ng tao at mga bagay na kailangan talaga nito. Ito rin ay patungkol sa mga paraan ng paglalaan ng mga bagay na ito sa pang-araw-araw na buhay.


Sanggunian:

https://spectator.org/is-economics-a-hard-science/


4. Ipaglalaban namin kayo!





Hindi kami tulad ng ex mo na walang isang salita at walang paninindigan! Dahil kaming mga mag-aaral ng HUMSS, hindi lang ikaw ang kayang ipaglaban kundi pati ang demokrasya para sa ating bansa, mga polisiya ng ating lipunan, ang mga maling ipinapakita ng medya at ang mga katiwalian ng ating mga 'butihing' pulitiko! Ito ay dahil alam naming ito ay dapat na gawin para sa nakakarami.


Sanggunian:
http://www.palgrave.com/gp/social-science-matters/10-reasons-for-social-science

5. WE CAN BE YOUR OWN SUPERHEROES!




Maaari niyo kaming maasahan kung kailangan mo ng magtatanggol ng iyong puri, dangal at mga karapatan bilang isang tao. Dahil bilang mga estudyanteng kumukuha ng HUMSS strand, naglalayon kami ng kapayapaan para sa bawat isa! Handa kaming tumulong sa abot ng aming makakaya! Hindi man kami si Batman pero may mga pagkakataong puwedeng kami ang bahala saĆ½o.




Sanggunian:

http://www.palgrave.com/gp/social-science-matters/10-reasons-for-social-science 




Hindi naman batayan ng pagkatao ang strand sa Senior High School kaya itigil na ang paglalagay ng pader sa gitna namin dahil iisa lang naman ang pangarap namin. Gusto lang namin na makapagtapos ng pag-aaral ng matiwasay nang makatulong kami sa aming pamilya at maging karapat-dapat para sa hinaharap.

Siguro nga napakaraming dahilan para hindi ko piliin ang HUMSS pero sa paglubog ng araw, hahanap at hahanap ako ng dahilan para piliin ito.



Bakit ako nananatili sa HUMSS?



Bakit hindi? *wink*